BAYANIHAN
BAYANIHAN! Sa aming bayan kahit hindi gaano mayayaman ang naninirahan doon pagtutulungan ang umiiral sa kanilang mga puso't isipan. Kaya ikinalulugod ko na nakatira ako sa aming bayan. Dahil sa kanilang pagbabayanihan o pagtutulungan masasabi ko na masaya ang aming lipunan. Totoong napakasaya manirahan sa ganyang lugar na pagbabayanihan ang umiiral. Dahil hindi ka makakaramdam ng anumang lungkot sayong puso, ni hindi ka makakaranas ng mabigat na problema, poot sa 'yong damdamin at higit sa lahat maiibsan ang iyong mabigat na dinadala. Kaya sana kahit anumang problema ang dumating sa aking bayan ay hindi mawala ang pagtutulungan o bayanihan. Dahil sa tingin ko kapag nawala na ang pagbabayanihan sa aming bayan ay mawawala na rin ang kasiyahan. Dahil ang pagbabayanihan ay isa sa mga paraan ng pagbubuklod ng aming bayan. Kaya dalangin ko na sana patuloy na umiral ang pagtutulungan o bayanihan sa akin...